Wednesday, August 18, 2010

i never thought it would be this fast
i never thought of this in the past
i wish every moment will last
no second would turn into dust

i never wore my heart with bandage
and never realized at my sweet age
that time is never really in a cage
time runs whenever we turn the page

we should always make the most of it
even if we wish clocks to stop a bit
learn the lessons in the moments that didn't fit
don't forget to fight and learn to accept defeat

nalulungkot ako sa bilis ng panahon.
CHERISHCHERIS
live in the present : leave the past

Tuesday, August 10, 2010

eksaktong 159 na araw na lang at matatapos na ang nalalabing oras ko sa paninirahan sa aking ikalawang tahanan sa mahigit SIYAM na TAON :(

bagamat hindi pa kong handang lisanin ito kailangan kong tanggapin na walang permanente sa mundo.

kailangan nating matutong tumanggap ng mga bagay bagay na hinaharap sa'tin ng mapaglarong tadhana.

sa ngayon nais ko lang sulitin ang nalalabing araw ko kasama ang mga kapatid ko na simula pa lang ay nakasama ko na at hindi ako iniwan sa lahat ng kamalian, kalokohan, sa bawat dapa at sa lahat ng pagbangon.

aminado naman ako na sa tuwing maiisip ko na konting ikot na lang ng mundo ay magpapaalam na din kami sa isa't-isa ay nalulungkot ako ngunit ano nga bang magagawa ko? anong magagawa ng isang mortal na kagaya ko. hindi ko namang kayang sigawan ang oras "HOY!! oras ka TUMIGIL KA MUNA SAGLIT ayoko pang mawalay sa kanila NAIINTINDIHAN MO BA KO gusto ko pang makasama sa mas MAHABANG PANAHON yung mga taong BUMUO SA PAGKATAO KO :( " kasi kahit gawin ko yan ng paulit-ulit mapapaos lang ako hindi pa din tumitigil ng kahit isang segundo man lang yan oras na yan.

sila ang ikatlong humubog sa katauhan ko.

marami na akong naranasan, lumuha na ako, ngumiti, tumawa, humalakhak, umiyak, humagulgol at muling nakabangon. kahit sino naman sa atin ay naranasan na yan, iba iba lang tayo ng paraan ng pagkakadapa, iba iba din ang klase ng sugat na natamo at iba iba din ang paraan ng ating pagtayo at paghilom sa ating mga sugat.

bilang estudyante naranasan ko nang itago sa mga magulang ako ang "report card" ko, alam mo kung bakit? kasi N.I ang "conduct" ko, hindi ko din alam kung paano nangyari yun ngunit na-"devastate" ako dun, yun lang kasi ang dahilan kung bakit hindi ako nakatanggap ng "award" at hindi man lang nabigyan ng "exposure' o nakaakyat man lang sa entablado.

ngunit yan din ang nagsilbing impluwensya sa akin, ninais kong ipamukha sa lahat na hindi ako yung tao na nasa "report card" na yun kasi hindi ako karapatdapat makakuha ng ganoong marka.

tumayo ako at ipanikita sa lahat kung sino ako at bilang patunay na hindi ako pasaway 423 ang kaibigan ko sa peysbuk

hindi lang yan napagdaanan ko, naranasan ko na din
-makakuha ng markang nagsisimula sa palakol; pero mas ginalingan ko pa
-naranasan ko nang paluin dahil napagbuntunan ng galit
-makakita ng hindi magandang ehemplo sa paligid ko; pero dahil sa mgaling ang magulang ko ay hindi ako natulad sa kanila
-at higit sa lahat naranasan ko na ding malugmok at walng ibang makapitan kundi ang Panginoon

yan ang ikalawang humubog sa pagkatao ko

ang aking mga magulang.

simple lang ang sasabihin ko.

PAG-IBIG NA WALANG HANGGAN, alam mo ibig sabihin nun? yun yung pag-ibig na hindi mo mararanasan sa iba kundi sa kanila lamang.

sila din ang nagturo sa akin ng PANANAMPALATAYA at hind ko pinagsisihan ang pakikinig sa kanila dahil sa "KANYA" nakatagpo ako ng kalayaan sa mundong puno ng bahid ng gulo sa pagitan ng kasamaan at ng kabutihan.

YAN ANG UNA AT PINAKAMALAKING PARTE NG BUHAY KO NA HUMUBOG SA PAGKATAO KO.












yan sana isasagot ko sa essay sa Ateneo, tanong kasi nila kung ano daw humubog sa katauhan ko. kaya lang hindi naman ako magpapasa kaya sa inyo ko na lang ito ipapabasa :) -lee

hmmm..

UPCAT oo kakatapos lang ng upcat tapos ano? USTET ano pa? NCAE ano susunod DLSUCET oo hanggang dun lang ako hindi ko na binalak mag ACET dahil hindi ko naman pinangarap ang Ateneo upang maging pangalawang tahanan ko sa mga susunod na buwan.

Madami akong pinagkakaabalahan ngayong mga panahon na ito ngunit alam kong hindi puro stress lang ang kailangang atupagin, kailangan mo din ng panahon para sa sarili mo, oo para sa'yo

wag kayong magataka kung mababaliw na ako, bukod sa dami ng ginagawa ko, pinoproblema ko rin ang sandamakmak na pasanin na hindi naman dapat iniisip ng isang 4th year student lalo na sa ganitong mga panahon. Ngunit paano ka matututo kung sa sarili mo ay wala kang lakas ng loob harapin ang pagkakamali mo, paano ka makakabangon kung lumulubog ka at walang nais humaltak sa iyo paitaas,


masyado ng makasaysayan ang pinost ko dito paalam muna sa ngayon, salamat sa panahon.