lahat nagkakamali
wag kang magmadali
lahat ng luha'y mapapawi
magdasal ka lang ng sandali
kung may nasayang na pagkakataon
hindi pa huli ang lahat para bumangon
sulitin ang bawat panahon
ipunin lahat ng lungkot at itapon
sabayan ng ngiti ang bagyong paparating
ika'y maniwala at ang pag-asa'y darating
hindi man ngayon
darating din ang tamang panahon.
<3<3<3
Tuesday, October 26, 2010
Sunday, October 24, 2010
mapanakit na tadhana
May mga emosyon na kahit pilitin
Mong maramdaman ay
Hndi talagang umuubra.
May mga damdaming
Nais mong iparamdam
Ngunit nagiging manhid sila.
Isa itong kuwento ng dalawang taong ipinipilit maramdaman ang pag-ibig na pangmatagalan. Pilit ipinapaalala na naging bahagi sila ng buhay ng isa’t isa. Pilit nililimot ang masakit na katotohanan. At higit sa lahat pilit kinakalimutan ang mapait na kinahantungan ng pagsasamahan.
Ang mundo’y mapaglaro,
Paano kung ang isa’y marunong manindigan,
Ang isa nama’y nais na itong sukuan.
Magtagumpay pa kaya ang walang hanggan
O lahat ng pinaghirapa’y walang patutunguhan?
“di naman pride ‘to eh,
Feelings ‘to,
Wala na kong naffeel sayo, okay?
Enough na please,
Pagod na rin ako sa ginagawa ko sayo,
Ayoko na ng ganito
Hindi na kita mahal!!”
Gaano kasakit marinig
Ang mga salitang ito
Lalo na sa taong
Minamahal mo ng lubusan?
Sa taong pinangarap mong makasama
Hanggang dulo.
Anong mararamdaman
Kung ang lahat ay
Mauuwi sa isang masakit na paalam?
Nakilala ko siya sa tamang panahon
Ngunit sa maling lugar
Sa tamang oras
Ngunit maling sitwasyon.
Hindi piniliit
Ngunit pinagtagpo ng pagkakataon.
Itago natin siya sa pangalang
KC.
Una kaming nagkita sa isang mall sa mandaluyong.
Kinakabahan ako at hindi mawari ang nararamdaman ng masilayan ko ang maganda niyang mukha,
At sa tagpong iyon nagsimula ang aming love story.
Masaya kami tuwing magkasama
Bagamat nagtatago sa maraming tao,
Gumawa kami ng sarili naming mundo.
Isang mundo na maaaring mali sa iba
Ngunit para sa amin ay tama.
Simula ng makilala ko siya muling tumibok ang aking puso.
Ilang beses na rin akong nabigo sa pag-ibig,
Niloko at pinagsawaan ng mga babaeng nakarelasyon ko.
Ngunit nakaya ko.
Aminado ako natakot ako muling buksan ang puso ko dahil natatakot na muling masaktan.
Ngunit nag-iba ito dahil sa kanya.
Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko,
Para bang kahit paulit-ulit niya kong saktan ay magpapakamartyr ako at tatanggapin ko na lang ang lahat. Tinamaan yata talaga ako ng ligaw na pana ni kupido.
Sinimulan ko siyang ligawan.
Bilang lalaki ay nagbigay ako ng respeto sa kanya.
Sabi nila pare-pareho daw ang mga lalaki,
Yan ang bagay na hindi ko pinaniwalaan at ipinaramdam ko sa kanya.
Hindi lahat ng lalaki pare-pareho.
Yan ang naging dahilan kaya nakamit ko ang kanyang matamis na “oo”.
Naging maayos ang aming pagsasama,
Pinagbuklog ng pag-ibig
Pinagtibay ng pananalig.
Ganyan ko mailalarawan ang aming relasyon.
Minahal ko siya ng lubusan at ganun din naman siya.
Ibinigay ko ang lahat ko sa kanya,
Di na ko nag-aalinlangang bigyan siya ng mga materyal na bagay.
Alam ko naman kasing mahal niya ko at papangalagaan niya ito.
Bawat araw ay naging espesyal sa akin,
Kahit paulit-ulit ang aming ginagwa ay tila para bang may butterflies pa rin ako sa aking tiyan.
Nagbilang pa ng ilang araw at unang monthsary na namin.
Ipinakilala ko sa kanyan si “metoo”.
Teddy bear, anak namin
Nakakatuwa nga ee, sa lahat ng bagay na binigay ko sa kanya
Ito ang hindi mamahalin ngunit ito ang pinaka naging espesyal.
Naging simbolo si metoo ng aming pag-iibigan.
Naging libangan namin ang paglibot sa mga mall.
Sweet sweet-an kami kala mo mga teenagers
Magkahawak ang kamay habang naglalakad, nakaw na halik sa pisngi.
Kinikilig ako, siguro ganun talaga pag in-love ka.
Halos lahat ng pelikula pinapanuod namin, lahat ng pwedeng kainan ay kinakainan namin.
Lahat yata ng mall na napuntahan namin ay puno na ng ala-ala ng aming pag-iibigan.
Wag niyo kong tawanan ha! Pero gaya ng mga babae kinikilig din ang mga lalaki.
Lalo na pag nakikita ko siyang nakangiti habang nakayakap ako sa kanya,
Ang namumula nyang pisngi sa tuwing dadampi ang labi ko sa kanyang noo.
Ang sarap kaya ng pakiramdam na napapasaya mo yung taong nagpapasaya sayo.
Dun ko napagtanto na ang sarap mabuhay ‘pag may minamahal ka.
Pag may rason kang mabuhay.
Pag may inspirasyon kang labanan lahat ng problema.
Na ang sarap gumising sa isang magandang panaginip kasi alam mong abot mo ito hanggang sa realidad. Ang sarap palang mapuyat makausap mo lang siya
At marinig ang tinig niya bago ka matulog.
At higit sa lahat di pala talaga masakit ang magmahal.
Unti-unting lumilipas ang panahon.
Tumatagal ang aming pagsasamahan.
Pambihira nga naman ang pagkakataon
Binigyan ako ng isang tunay na pagmamahalan.
Lumipas ang ilan pang buwan. Umabot na kami sa dalawang taon
Dalawang taon na puno ng pagmamahalan
Mas tumibay pa ang pagsasamahan
At mas naging malalim ang aking nararamdaman.
“Siya na nga, si KC na nga talaga.”
Bumilang pa ng ilang araw,
Mukha nya’y nais kong matanaw
Ika-2 taon at 2 buwan namin
Ano kayang magagawa, nais ko siyang sorpresahin.
“babe magkita naman tayo ngayon oh! ”
“cge magbibihis na ko”
“susunduin kita ah! I love you!”
“I love you too, babe.”
Dinala ko siya sa Robinson’s Place Manila, isang mall na hindi pamilyar sa aming dalawa.
Sabay naming nilibot ito,
Gumuhit kami ng ala-ala sa bawat sulok ng mall,
Nag iwan ng bakas sa bawat sahig na tinatapakan.
Nag-iwan ng ngiti sa bawat mukha namin dalawa
Nangakong sa pag-iibigan nami’y di magsasawa.
Di matatawaran ang tawa’t halakhak namin sa oras na iyon,
Makasaysayan ang mall at ang lahat ng emosyon.
Dalawang taon, apat na buwan at tatlong araw,
Susurpresahin ko sya.
Nagtungo ako sa kanilang tahanan,
Ngunit wala daw siya roon.
Pumunta ako sa kanilang park na aming tambayan,
Iba ang nakita ko noon.
Siya at ang matalik niyang kaibigang si Mark.
Magkayakap.
Kapwa may ngiti sa mukha.
Akala ko’y masosorpresa ko siya
Yun pala ako ang nasorpresa niya.
Agad akong umuwi at nag-isip
“baka nilalagyan ko lang ng malisya,
Baka naman sila talaga,
Pero di nya ko sasaktan
Kaya niya kaya akong iwang luhaan?”
Hindi ako makatulog 3:00 am na, biglang tumunog yung telepono namin. Syempre sinagot ko.
“hello?”
Boses niya,
“bakit?”
“may kailangan akong ipagtapat sayo”
Napatigil ako,
“mahal kita at alam mong espesyal ka sakin, pero…”
Hindi ko na alam ang gagawin ko, biglang tumugil ang mundo ko
“…may mahal akong iba, si Mark yun. Di ko alam kung paano at bakit, kung paano nangyari.
Biglaan na lang ee”
Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan, biglang bumuka ang labi ko’t bigla kong nasambit,
“KC handa akong magpakatanga para sayo, ganun kita kamahal, kaya kong pagtiisan lahat ng ginagawa mo wag mo lang akong iwanan. Ayos lang sa akin na kayo wag mo lang akong hiwalayan.”
Nagulat ako sa nasabi ko. Hindi nanggaling sa utak puso ang nagdikta at puso na rin ang nagsalita. Sa panahong iyon ay ito talaga ang aking nararamdaman. Handa akong masaktan, handa akong magpakatanga ngunit handa akong lumaban.
Nagtagal pa kami ng ilang buwan,
Hindi ininda ang sakit na nararamdaman.
Inggit at poot kay Mark ay kinalimutan
Basta si KC ay nandiyan.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalamig ang aming relasyon. Minsan hindi na siya nagpaparamdam, minsan naman ramdam na ramdam ko siya. Nasasaktan lang ako kasi alam kong sa tuwing magiging malambing siya sa akin ay siya ring mga panahon na may tampuhan sila ni Mark. Ngunit ano nga bang magagawa pumayag ako sa ganitong sitwasyon marapat lang siguro na panindigan ko ito.
Isang buong linggo ko na siyang hindi nakikita at hindi nakakasama. Hindi nanaman siya nagpaparamdam. Sinilip ko ang wall niya sa facebook, puro matatamis na lambingan nilang dalawa. Ngayon alam ko na, panakip butas lang talaga ako. Nandiyan siya sa tabi ko kapag wala ang isa at nawawala naman sa piling ko kapag nagkabati na sila. Sobrang sakit pala. Mali nanaman ako, masakit pala talagang magmahal.
Lumipas na ang buwan, wala na talaga sumuko na siya, napagod na ko kahihintay pero mahal ko pa rin siya. Pinigilan kong lumuha, at sinubukan kong magparaya. Nagpalit ako ng sim card, bumili ng mga bagay na magpapasaya sa’kin. Damit, bagong cellphone, itouch at kung anu-ano pa.
Ngunit hanggang ngayon lumuluha pa rin ako. Walang materyal na bagay ang makakapalit sa kanya.
Sumapit ang kaarawan niya, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi ko siya binati kasi sinusubukan ko ng tanggapin ang katotohanan. Tatlong taon kami, tinapon niya lang.
Habang binabalikan ko ang nakaraan ay naisipan kong gumawa ng scrapbook. Naitago ko rin kasi lahat ng mga ala-ala namin sa lahat ng aming pinuntahan, kinainan, pinasyalan, sa lahat ng aming pinag gastusan. Hindi ko man siya binati, pinipilit ko mang maging matatag nabuo ko ang scrapbook kasi nandun pa rin yung aking nararamdaman na hindi na talaga yata mabubuwag.
Makalipas ang 2 linggo hindi ko napigilan at tinawagan ko siya. Niyaya kong lumabas, pero bilang magkaibigan lamang. Pumayag naman siya.
Hinanda ko ang lugar. Isang kwarto na may mga kandilang hinugis ko ng puso, sa gitna’y mayroong mas maliit na puso na gawa naman sa pinagsamasamang tsokolate. Handa na ang lahat. Pumasok siya.
Sabay strum sa gitara, “I wanna make you smile, whenever you’re sad, carry you around when your arthritis is bad, all I wanna do is grow old with you..”
Nasilayan ko ang kanyang magandang ngiti, tumibok na naman ang puso ko at bumulong sa isip ko, “wala akong utak pero handa akong magpakatanga,”. Lumuha nanaman ako.
“I’ll miss you, kiss you..”
Gusto ko siyang hagkan at yakapin.
Pagkatapos ng kanta agad ko siyang nilapitan at binigyan ko ng bulaklak, hahalik sana ako sa pisngi ngunit hinawakan niya ang aking mukha at pinunasan niya ang aking luha.
“Tahan na, tigilan na natin ‘to, masasaktan lang kita ng paulit-ulit. Hindi ko na kayang nakikita kang nagkakaganyan. Mahal ko si Mark, mahal rin kita ayokong may masasaktan, ngunit sa piling niya ako mas nasisiyahan. Mag move on ka na. kalimutan mo na ko, sana huling iyak mo na ito.”
Bawat katagang kanyang binitiwan ay tumatak sa aking puso’t isipan.
Dapat ko na nga talag siya siguong kalimutan.
At ang atensyon ay hahanapan ng pagbabalingan,
Sana matagpuan ko rin ang kasiyahan.
Ginawa ko na ang lahat para kalimutan siya, pero hindi ko talaga kaya. Pinuntahan ko siya sa Pasig hinintay na kausapin niya ko. Umabot hanngang alas dos ng umaga, wala pa ring napala. Hanggang may nag-abot sa akin ng isang sulat:
“NICO,
Ayokong nakikita kang nasasaktan, huling sulat ko na ito sa iyo. Sana makalimutan mo na ko. Mahal ko siya at hindi na kita kaya pang saktan. Wag mo sana akong pahirapan at wag mo na ring pahirapan ang sarili mo. Mahal kita pero hanggang dito na lang tayo.
Paalam,
KC
Aaminin ko hanggang ngayon umaasa pa rin ako.
Minsan hinihiling kong bumalik sa pagkabata para wala akong pinoproblema.
Ngunit naisip ko rin, siguro kung kinaya niyang magmahal muli
At maging masaya ng wala ako, siguradong kakayanin ko rin.
Hindi ako mapapagod magmahal, umasa at lumaban.
Hihintayin ko na lang yung araw na mapagod na lang akong masaktan.

Monday, October 4, 2010
Subscribe to:
Comments (Atom)