ayoko ng marinig
kahit anong salita sa iyong tinig
itikom na lang ang bibig
at ang mata mo'y sakin na lang ititig
hindi mo ba nababasa ang nadarama
marahil sa pagpapanggap ako'y sawa na
ako na ang mali at ikaw na ang tama
sana lang ang sakit ay iyong napupuna
kailan ma'y 'di kita pinaasa
minahal kitang talaga
ang pagmamahal ay nawala lang kusa
ikaw na rin ang may gawa
sabi mo sa'kin hanggang wakas
kung 'di mo kaya sana'y 'di na lang binigkas
pasensya ka na hindi ko na kaya
ayaw ko ng umasang maibabalik pa.
oooppppss ngayon na lang ulit ang tula :))
namimiss ko na DALUBS ko :(

0 comments:
Post a Comment