Wednesday, March 2, 2011

basurang binuo mula sa kawalan

Ang mundo’y mapanlinlang,

Sa lahat ng bagay lagging may hadlang,

May mga taong ‘di pinagtatagpo,

May mga pagkakataong ‘di binubuo.

Minsan ika’y binabagyo,

‘di mo matanaw tanaw ang dulo,

Pero lagging tandaan,

Ang ulan ay laging may hangganan.

Ang araw ay simbolo ng bagong bukas,

Ang baraha’y ‘di puwedeng walang alas,

Aanhin ang araw at ulan?

Gawin mong bahagharing iyong matatakbuhan.”

Pasensya

Napakasarap nga namang umibig. Napakasarap makahanap ng tao na pupuno sa kakulangan ng buhay mo. Napakasarap magmahal lalo na kapag alam mong mahal ka rin niya. Napakasarap ring makarinig ng pangako na alam mong maaring matupad.

(limang taon ang nakakaraan)

“Aida, mahal na mahal kita. At alam mo yan,

sagutin mo na ‘ko.”

“Oo, mahal rin kita Jiro.”

Mula pa lang noong nasa unang baitang ako’y kaklase ko na si Jiro. Hanggang mag kolehiyo’y ‘di kami nagkahiwalay. Masasabi kong napakatibay na n gaming pagkakaibigan at naging mas matibay pa ito noong naging magkasintahan kami.

Sa kanya ko naramdaman kung paano ang alagaan. Palibhasa’y ulila sa magulang kaya ang tanging alam ko lang ay alagaan ang mga kapatid ko. Hindi ako nakaranas ng kahit na anong pagkalinga sa kahit na sinong taong nasa paligid ko.

Kaya rin siguro ganoon ko kamahal si Jiro. Siya ang araw na nagdudulot ng liwanag sa aking mundo, ang unang makinang na bagay na humahalik sa pisngi ko pag gising ng umaga.

Aaminin ko hindi perpekto ang relasyon namin, ngunit mas pinili kong maging matatag at ponghawakan an gaming pag-iibigan kaysa sumuko na lang at magpatalo sa problema. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bakit ako susuko kung ang habang buhay ko ang nakataya?”

Apat na taon na kami ni Jiro noon. 29 years old na rin ako. Hindi ko na magawang maghintay ng dalawa pang taon upang kami’y magpakasal. Masyado na kong matanda. Natapos ko na rin naman ang responsibilidad ko sa aking mga kapatid, nais ko na rin magkaroon ng pamilya. Kaya kinompronta ko si Jiro kung kalian niya ako nais pakasalan.

“Ji, kalian mo balak palitan apilido ko?”

“Maaga pa naman eh.”

“29 na ko anong maaga dun?!”

Hindi na ako nakapagtimpi lalo na noong binigkas niya ang mga salitang:

“Ayoko magpasakal muna. Hindi pa ako handa.”

“Habang buhay pala! Tapos ngayon pagpapasakal pala ang tingin mo sa kasal mo sa’kin.”

“Kung ayaw mong tanggapin na hindi pa ‘ko handa, maghanap ka ng iba.”

“Nakikipaghiwalay ka na niyan?”

“Nasusuka na ko sa ugali mo. Maghanap ka na ng iba. Kung may kasalanan man ako PASENSYA!”

Hindi sa pagmamalabis ngunit ang pakiramdam ko noong oras na yaon ay gumuho ang buong mundo ko. Nawala bigla ang kasalukuyan at kinabukasan ko. Kasalanan ko ban a gusto ko ng i-plano ang buhay ko ng kasama siya? Kasalanan ban a mahalin siya ng sobra at maghangad na matapos ang walang hanggan na siya ang kapiling ko.

Nasaan na ang pinangako niyang habang buhay?

Nasaan na ang pinangako niyang ‘di magbabago ang pag-ibig niya?

Nasaan na ang “Mahal, ‘di kita ipagpapalit sa iba.”?

At higit sa lahat nasaan na siya?

Ang pag-ibig masarap lang sa umpisa, pero habang tumatagal ay nagiging komplikado ang lahat. Wala nga talagang permanente sa mundo. Lahat naglalaho. Kahit pag-ibig. Kahit gaano katagal ang “kayo” dadating pa rin ang panahon na “ikaw” na lang ang matitira.

Mali lang siguro na minahal ko siya ng sobra sobra at naniwala ako sa mga pangakong nagmumula lamang sa bibig niya.

Hindi ako nakuntento sa rason niya kung bakit ayaw niya akong pakasalan. Kaya isang taon ko siyang inobserbahan. Kahit gaano kasakit sa akin ay araw-araw kong tinitingnan ang facebook niya. Araw-araw kong tinatanong ang mga kaopisina niya kung kumusta na siya. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman ko rin ang totoo.

May iba na pala siyang nagugustuhan.

Simula noon ay bumitaw na ako. Siguro nga hindi talaga kami. Binigay lang siya sa’kin sa mga panahong kailangan ko ng kalinga at pagmamahal.

Salamat na rin sa kanya dahil kahit papaano ay natuto na ako.

Ang lagi ko na lang bulong sa sarili,

“kung sa maling tao’y naging maligaya na ako, paano na kaya ‘pag nahanap ko na ang tamang lalaki para sa buhay ko.”

0 comments:

Post a Comment