Wednesday, March 2, 2011

haha may eksplenasyon

okay noong mga panahon na naghahanap ako ng "summary" ng para kay B ay wala akong makita. :)) kaya para sa mga estudyanteng sakaling kakailanganin ito, IBABAHAGI KO ANG AKING BUOD :>

Pagkilala sa Awtor

Ricardo Lee

Si Ricardo A. Lee (kilala bilang Ricky Lee) ay isang script writer ng mga pelikula, mananaysay at kuwentista.

Isinilang siya noong Marso 19, 1948 sa Daet, Camarines Norte. Nagturo siya ng Script Writing sa Unibersidad ng Pilipinas pagkatapos niya ng kursong Bachelor of Arts in English sa nasabi ring pamantasan. Ang una niyang script na pampelikula ay Sa Kuko ng Agila na pinangunahan nina Pangulong Joseph Estrada at Senadora Nikki Coseteng na noon'y kapwa pa mga senador.

Ang ilan sa mga naisulat niyang iskrip ay Brutal (1980); Relasyon (1982); Haplos (1982); Kamal (1983); Baby China (1984); at iba pa.

Tumanggap siya ng Gawad Pagkilala mula sa Pamahalaan dahil sa ginawang pagpupunyagi upang makalikha ng mga kuwento at iskrip na pampelikula na naglalahad sa iba't ibang dimension ng kalagayan at kamalayang Pilipino sa kontemporaryong lipunan.

Ang kanyang mga akdang Servando Magdamag, Cain at Abel, Salome at Moral ay sinasabing nagtaas ng uri ng sining pampanitikan sa wikang Pilipino at naglarawan din ng isang sistemang bumabago sa anyo at nilalaman ng pelikulang Pilipino.

Tauhan

Irene at Jordan

Sandra, Ruben at Lupe

Erica at Jake

Ester, Lucio, Sara at Pio

Bessie at Lucas

Wagas magmahal lahat ng karakter, ngunit hindi itinakdang maging sila para sa isa’t isa.

Irene, unang unang kuwento.

Si Irene, babaeng lumaki sa San Ildefonso. Tahimik na namumuhay at simple sa lahat ng bagay. Maganda, seksi at matalino. Ubod ng talino. Kaya niyang banggitin ang kahit anong bagay na sinambit mo sa nakalipas na isang minuto. Kaya niyang ilathala lahat ng detalye na kailangan mong malaman. Kaya niyang sumagot ng ilang arithmetic sa utak niya.

Sa sobrang talino niya, marami sa kanyang mga nakaka-“date” ay nawiwirdohan na sa kanya. Ang iba nama’y “amuse na amuse” sa kakayahan niya. “Walking calculator/ dictionary” ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

Ngunit umabot na siya sa gulang na 25 ay di pa rin siya nagkakaroon ng kasintahan. Ang dahilan niya’y naniniwala siya sa wakas na pag-ibig at ito si Jordan.

Si Jordan ay nakilala niya sa San Idelfonso. Pinatay ang buong pamilya niya at siya lamang ang nakaligtas. Simula noon ay kay Fr. Zuniga na ito tumira. Napansin ni Jordan na lagging nakatingin sa kanya si Irene. Ang totoong dahilan nito ay mahal na siya ni Irene mula pa noong una pa lang niya ito nasulyapan.

“Bukod kay Fr. Zuniga ikaw lang ang mabait sa akin.” Ganyan niya inilarawan si Irene. Naging masaya sila habang magkasama ngunit isang araw ay napaaway si Jordan sa anak ng mayor. Hindi nakuntento ang mayor sa paghingi ng tawad nito at minumura pa nga ito ng kanyang asawa harapharapan. Hindi pa nakunteto’t pinaalis niya ito sa bayan ng San Ildefonso.

Bago umalis ay sinilip ni Irene kung nandun pa rin si Jordan sa may arko ng San Ildefonso, hindi siya nabigo. Nandun nga ito. Bumaba ito at hinarap siya, binigyan siya ito ng isang “cheap watch.” “papakasalan kita ‘pag tanda mo,” yan ang tanging ipinangako niya kay Irene.

Hanggang sa umalis ito’t ‘di na bumalik kailanman.

Matagal na naghintay si Irene, hindi rin siya tumatanggap ng manliligaw kung “J” ang unang letra ng pangalan nito.

Habang siya’y nasa isang kapehan, may nakita siyang lalaki. Alam niya kaagad na si Jordan ito nilapitan niya at pina-alala ng paunti-unti ang bawat detalye. Ngunit wala itong matandaan. Gayun pa man ay pumayag pa rin itong makipagtalik sa isang hotel kasama si Jordan. Ang kaisa-isang lalaking minahal niya at hinintay niya ng kay tagal.

Sandra, ang ikalawang kuwento.

Traveler’s Inn ang motel na pinuntahan ni Irene at Jordan. Ditto rin ang eksaktong motel na pinagtatrabahuhan naman ni Sandra.

Habang nagbabantay siya sa desk ay may lumapit sa kanyang isang awtor. Nabighani sa kanyang kagandahan ang awtor at bahagyang ikinuwento ang aklat na kanyang isnusulat. Pakay niya raw sumulat ng limang kuwentong tungkol sa pag-ibig. At nais niyang malaman ang kuwento ni Sandra.

Inumpisahan ng awtor ito sa pagpapaliwanag kay Sandra na may quota ang pag-ibig. Isa lang sa bawat limang nagmamahal ang nagiging maligaya. Nngunit hindi ito sinang-ayunan ni Sandra. “Ang kaligayahan ay depende sa tao.” Hindi siya naniniwala na may quota ang kaligayahan sa pag-ibig.

Nang hindi niya namamalayan ay nakapagbaliktanaw na siya sa nakalipas niyang pag-ibig. Si Lupe.

Sa kanyang pagdadalaga wala sa sinumang lalaking nanligaw sa kanya ang kanyang nagustuhan. Alam niya kasi sa kanyang sarili na si Lupe, ang kuya niya, ang tanging kanyang mamahalin.

Siyempre naging tutol ang kanyang mga magulang ditto. Kahit anong eksplenasyon ay ‘di nila ito tinanggap. Pinalayas nila si Lupe.

Dumating ang isang aksidente, patay kaagad ang kanyang ama habang ang kanyang ina’y naghihingalo pa. “Hanapin mo ang kuya mo, sabihin mo maaari na siyang umuwi.”

Matagal niyang hinanap ang kuya niya sa Maynila. Nagkaroon na siya ng kasintahan ngunit hindi pa rin niya ito nakita.

Hanggang sa isang gabi may nagtangkang mang-isnatch sa kanila ni Ruben, ang kasintahan niya. Namukhaan niya ito si Lupe.

Pagkatapos ng gabing yaon ay nagkikita na muli sila, ngunit bigla nanamang naglaho si Lupe. Nagkaroon siya ng anak rito, si Belinda.

Ito ang dahilan kaya ipinagpatuloy niya ang relasyon kay Ruben at nagkaroon sila ng dalawang anak. Tanggap ni Ruben si Belinda, pati ang mga anak nito ay mahal si Belinda.

Naging masaya sila hanggang dumating ang takdang oras na kinailangan niya ulit bumalik sa lumang bahay nila. Bumalik lahat ng sakit.

Erica, ang ikatlong kuwento.

Maldiaga, ang lugar na walang emosyon. Dito lumaki si Erica. Hanggang may matandang sumigaw ng “I love you.” Doon lang siya nagkaroon ng isang hangarin ang malaman kung ano ang pag-ibig.

Mula sa maldiaga ay dinala siya ng sapa sa tunay na mundo.

Dito niya nakilala si Jake, una’y inaakit niya ito dahil nais niyang matutong magmahal.

Naakit niya si Jake at tuluyan nga siyang minahal nito. Ngunit habang tumatagal mas lalo niya lang napapatunayan na nakatakda siyang hindi magmahal.

Binigyan siya ng kakaibang kapangyarihan, ang makita ang puso ng taong nasa paligid niya. Sinilip niya ang sa ina ni Jake, kahit matanda na ito at patay na ang asawa nakita niyang sariwa ang puso nito at lubos pa ring nagmamahal, sinilip niya ang kay Jake, puro gasgas sa dami ng pinagdaanan ngunit mapula’t bata pa. sa huli tiningnan niya ang kanyang puso, wala siyang nakita. Wala siyang puso.

Dito siya nagpasyang iwanan si Jake at umalis. Sumikat siya sa mga komersyal ngunit hindi niya alam na sa pagsikat niya siya rin ang pagkadurog ng puso ni Jake.

Bumalik siya, ngunit pagbalik niya’y lagi na lamang nakatulala si Jake. Nalaman niyang nakita na lang itong lumulutang sa isang sapa at tila wala ng nararamdaman.

Sinamahan siya ni Erica habang hinihintay ang pag galling nito.

Isang araw ay dinala niya si Jake sa tapat ng sapa. Saglit na nagsalita si Jake, “Maldiaga, Maldiaga, Maldiaga.” Napaluha si Erica. Doon niya napagtanto na noong oras na nawala siya ay hinanap siya ni Jake at sa kasamaang palad ay nakarating si Jake sa Maldiaga. Tuluyan ng nawalan ito ng emosyon.

Marahil dito rin napatunayan ni Erica na marunong siyang umibig, ‘di na niya iniwan si Jake kailanman at minahal niya ito ng lubusan.

Ester, ang ika-apat na kuwento

(bahagyang pag-uulat/pahapyaw)

Si Ester ay may asawa at limang anak. Namatayan siya ng asawa at natuklasan niyang sa isang babae rin pala siya tunay na umiibig, kay Sara. Matapos niya itong matuklasan ay may nangyari sa kanila ni Sara. Pagkatapos ng gabing yaon ay umalis si Sara at hindi na muli nakita pa. lumipas ang maraming taon at lumaki ang anak niyang si A.J. ito’y bading pala. Noong una’y hindi niya matanggap ngunit habang tumatagal ay napapansin niyang halos pareho ang itinatakbo ng kanilang istorya kaya’t di kalauna’y natanggap niya rin ito. Alam pala ni A.J ang tungko sa kanila ni Sara. Nagalit siya ng ipaalala sa kanya ito ni A.J. ngunit wala siyang magawa. Hinanap ni A.J si Sara at iniharap sa kanyang ina. Nais ni A.j na lumigaya ang kanyang ina. “Kahit bigyan pa ako ng libo-libong maskulado ay ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin,” ika ni A.J sa kanyang ina. “gusto lang kita sumaya.” Dagdag niya.

Nagkita muli si Sara at Ester. Pagkatapos ng pagkikitang yaon ay mas madalas pa silang nagkita. Bagamat pinlano nila itong itagosa asawa ni Sara na si Pio at sa kanyang mga anak, di nila namamalayan na alam pala ni Pio ang lahat ng nangyayari. “Hindi pa dapat ako mamatay.” Habang tumatanda si Sara at Ester ay saka naman papalakas ng papalakas si Pio. Ang huling tanong, sino ang unang magpaparaya? Si Ester o si Pio?

Si Bessie ang ika-lima at huling kuwento

(sobrang pinaiksi)

Si Bessie ay kaibigan ni A.J. mahilig niyang paglaruan ang mga lalaki. Nagbebenta siya ng mga bagay na ibinigay ng mga kasintahan ng mga taong bigo. Nakilala niya si Lucas. Inalipin niya ito. Hanggang nagkaroon siya ng minamahal si Brigs. Binugbog siya nito. Ito ang nagtulak sa kanya nalumayo, hinanap niya ang San Ildefonso ngunit iba ang kanyang natagpuan si Jordan ni Irene.

Wakas

Si Lucas at ang writer at iisa, ginamit niya ang kakayahan ng patriyarkang lipunan upang husgahan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Sinulat niya ang limang kuwento ng babae upang iihersisyo ang kapangyarihan ng kung ano ang magagawa nito sa mga taong bigo, nagmamahal at hindi pa nakararanas ng pag-ibig.

Aral

Para sa akin ay walang quota ang pag-ibig. Kung nanaisin mong ika’y maging maligaya, kasama ng tamang desisyon at matatag na paniniwala makakamit mo ito.

Simbolismo:

I,S,E,E,B mga unang letra ng pangalan ng limang bidang babae. Kung babasahin pabaliktad ay BEESI na katunog ng pangalang minhal ng awtor na si Lucas, Bessie.

Para kay B – Para kay Bessie

Ang pagbabalik ni Erica kay Jake – nasa huli ang pagsisisi

(tatlo lang po)

Kaugnayan

Lahat nagmamahal, lahat din nasasaktan. Ang pag-ibig na walang dinaanang problema at di nakaranas ng sakit ay hindi pag-ibig kundi isang laro lamang.

Teoryang ginamit:

Feminismo

Realismo

At

Romantisismo

0 comments:

Post a Comment