Monday, July 12, 2010

bakit ko ito ginagawa?

sumusulat 'di dahil kailangan
kundi ito lang ang aking matatakbuhan
maubusan man ng susulatan
kahit kailan ito'y hindi aking titigilan

hindi mo ba maintindihan ang aking nilalaman
nais ko lang iyong malaman
ang buhay ay parang aklat ng kaalaman
ituloy mo lang ang iyong pagsulat at marami kang matututuhan

'pag ika'y nagsulat hindi mo kailangan ng dahilan
kailangan mo lang ipahayag ang nararamdaman
walang binabawal at walang kinakailangan
ilabas mo lang ang lahat ng dinaramdam

SA PAGSUSULAT AY DAPAT WALANG LIHIMAN

0 comments:

Post a Comment