Tuesday, July 13, 2010

LUHA

may tubig na lumalabas sa aking mga mata
hindi ko alam ang tawag sa kanila
nang ako'y iniwan mo, ito'y nagsimula
dala yata ito ng lungkot at pangungulila

ito'y bigalang tumutulo at hindi napipigilan
parang patak ng tubig sa tuwing umuulan
ito'y dahandahang tumutulo 'pag naalala iyong paglisan
oh ikaw ba ay nasaan

ngayo'y humihiling sa bawat makitang tala
na sana ako'y iyo pang naaalala
itong tubig na kristal hindi inaalintana
lumigaya ka lang, sa nais mong maging malaya

0 comments:

Post a Comment