Tuesday, July 13, 2010

sila

may mga mata na hindi maimulat
sa mundong ito, kawawa ang salat
para sa mataas sila ay isa lamang kalat
kahit na kapareho ang kulay ng balat

ikaw ba, sila'y iyong nakikita
o nagsasambit ka rin ng matalim na salita
alam mo ba ang kagaya nila'y hindi dinudusta
dahil sila ay may pusong palaging umuunawa

tunay ba sila'y iyong kilala
o ang tingin mo sa kanila'y taga salo ng bala
sila ba'y iyong binabalewala
sana ika'y hindi gantihan ng tadhana

0 comments:

Post a Comment