kagabi naramdaman ko ang bagyo
tanging naririnig ang hangin na bumabayo
nanlamig ako,
pakiramdam ng iniwan at lumayo
ang ulan wari'y ayaw tumigil
parang patak ng luhang ayaw magpapigil
nararamdaman ng puso'y parang kinikitil
nais nalamang umiyak sa iyong pagtataksil
tanging hiling ngayo'y wag ka nang bumalik
dahil sayo'y puso'y nananabik
ang lamig ng hangin hindi iindahin
malimot ka lang ito ang aking dalangin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment