Saturday, July 24, 2010

kahulugan ng buhay

mararamdaman mo ang simoy ng hangin
na wari'y ikaw ay yayakapin
may mga panahon na ito'y hahanapin
minsan ay hindi mo naman pinapansin

uulan, magbabaha at babagyo
tutulo ang luha sa mata mo
ngunit ito'y hindi kinikibo
dahil alam mong lilipas din ito

sisikat ang araw
sa sobrang tuwa ikaw ay mapapasayaw
muling titingkad ang iyong pananaw
sa kinabukasang hindi matanaw

wag bumitiw sa iyong panambitan
dahil siya'y lagi kang pinapakinggan
kung minsan ay nasasaktan
siya'y maaaring abala lamang

1 comments:

Yuan said...

:)

Post a Comment